Latest News

Kristine, nag-iwan ng 244 metriko tonelada basura sa Maynila

By: Baby Cuevas

May 244 metriko tonelada bg basura ang nakulekta ng Manila Department of Public Safety (DPS) matapos manalasa ang bagyong Kristine sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, batay sa ulat na ibinigay sa kanya ng Department of Public Services o DPS, alas- 5 ng umaga nang magsimulang maghakot ng basura ang waste management crew sa Iba’t -ibang panig ng Maynila.


Samantala, nagsibalik na sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa may 1,600 pamilya inilikas sa Delpan Sports Complex ,paaralan at mga barangay halls.

Gayunman, sinabi ni Lacuna na may natira pang evacuees na patuloy na kinakalinga ng lokal na pamahalaan.

“How long they stay is up to them. We will continue to give them food and medicines while they are in our care,” ayon kay Lacuna.


“As of yesterday noon, only the evacuation centers in Baseco and Delpan can be considered to have many evacuees. The rest are down to a few. The numbers are expected to dwindle this weekend as the situation returns to normal in the barangays,” dagdag ni Lacuna.

May naka-deploy na mga medical teams sa evacuation center para tumingin sa mga evacuees, partikular na ang mga nagsilusong sa baha, upang mapigilan ang leptospirosis.


Tags: Manila Department of Public Safety (DPS)

You May Also Like