Latest News

KRIMEN, MAS MABABA SA PANAHON NI PBBM

By: Victor Baldemor Ruiz

Ipinagmalaki ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na tuloy-tuloy na nakapagtatala ang administrasyong Marcos ng mas mababang crime rate.

Sa datos ng DILG at Philippine National Police nakapagtala aniya ang Marcos administration ng mas matagumpay na “crime rate, crime clearance at solution efficiency” alinsunod sa peace and order program ng gobyerno.

Naitala umano ng Philippine National Police ang mas mababang crime rate sa unang 21 buwan sa ilalim ng Marcos administration, kumpara sa parehong period sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, bumuti ang peace and order situation sa bansa na may mas mababang index crime volume mila sa 196,519 noong pre-pandemic period o July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 sa 71,544 noong July 1, 2022 hangang Abril 21, 2024.

Ang average monthly crime rate din ay bumaba sa parehong period, mula sa 21.92 sa 15.04% at bumaba rin umano ang naitalang focus crimes gaya ng pagnanakaw, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping at homicide mula sa dating 196,420 na ngayon ay nasa 71,133 na o 63.79%.


Sa ulat ni Interior and Local Government Secretary at National Peace and Order Council Chairperson Benjamin Abalos sa isinagawang NPOC at Regional Peace and Order Council meeting sa Malakanyang nitong nakalipas na linggo ay tinukoy niya na ang ‘peace and order situation’ sa bansa ay bumuti umano dahil sa mas mababang index crime volume na mula sa 196,519 noong pre-pandemic period na Hulyo 1, 2016 hanggang Abril 21, 2018, ito ay naging 71,544 na lamang mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 21, 2024.

Bumaba rin umano ang peace and order indicator para sa kaparehong panahon na 541,917 mula Hulyo 1, 2016 hanggang Abril 21, 2018 na naging 371,801 na lamang mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 21, 2024.


Ang average monthly crime rate sa kahalintulad na panahon ay bumaba rin umano mula 21.92 na naging 15.04. Ang tinatawag na focus crimes gaya ng “theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping at homicide” ay bumaba rin mula 196,420 na naging 71,133 o 63.79% ang ibinaba.

Bumaba rin ang non-index crime volume mula 345,398 noong Hulyo 1, 2016 hanggang Abril 21, 2018 na naging 300,257 na lang mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 21, 2024.

Idinagdag pa ni Abalos na nakapagtala ang PNP ng 98.88% ng kabuuang crime clearance efficiency mula Enero 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024, o sinasabing 0.32% na mas mataas kaysa sa crime clearance efficiency report mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

Nakapagtala rin ang PNP ng 82.69% na kabuuang ‘crime solution efficiency’ mula Enero 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024, na sinasabing 0.62% na mas mataas kaysa sa bilang na naitala mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

Pagdating naman sa index crime volume, nakapagtala ang PNP ng 48,587 kaso mula Enero 2023 hanggang Marso 2024, na sinasabing 4,240 o 8.02% na mas mababa kaysa sa 52,827 kaso na naitala mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

Ang non-index crime, sa kabilang banda, ay nakapagtala ng 202,377 mula Enero 2023 hanggang Marso 2024,o sinasabing 11,546 o 5.37% na mas mababa kaysa sa 214,923 na naitalang kaso mula Oktubre 2021 hanggang Disyembre 2022.

Pinuri ng kalihim ang napapanatiling crime prevention programs, public safety initiatives at convergent efforts ng DILG at PNP para mapigilan ang krimen at maprotektahan ang mga mamamayan.

Tags: Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos

You May Also Like

Most Read