KOTSE, SUMALPOK SA CEMENT MIXER, APAT PATAY, TATLO MALUBHA

By: Victor Baldemor Ruiz

INABOT ng dagliang kamatayan ang apat na sakay ng isang kotse habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok sa isang cement mixer truck sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong nakalipas na linggo.

Batay sa police report na ibinahagi ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), sakay ng isang Toyota Avanza ang mga nasawi na pawang nagmula pa sa Luzon.


Ayon kay NOPPO spokesperson Lt. Stephen Polinar, pansamantalang hindi muna kinilala ang mga biktima na isang lalaki at tatlong babae, habang hindi pa ito nasasabi sa mga kapamilya.

Lumitaw sa imbestigasyon na tinatahak ng Avanza ang southbound lane ng National Highway alas-4 ng umaga nitong Sabado nang makabanggaan nito ang truck na galing naman sa northbound direction, pagsapit sa pakurbang bahagi ng diversion road sakop ng Barangay Batinguel.

Dead-on-the-spot ang apat na biktima, samamtalang isinugod naman sa Silliman University Medical Center ang tatlo pang mga sugatan na pawang teenagers.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang 43-anyos na drayber ng mixer at nahaharap ito sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicidesat multiple physical injuries.


Tags: Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO)

You May Also Like

Most Read