Latest News

Kotse ng 4 Air Force men lumiyab, 3 patay

TATLONG miyembro ng Philippine Air Force (PAF) ang patay habang ang isa nilang kasama ay nakaligtas sa road accident noong Biyernes ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni District Traffic Enforcement Unit chief Lt. Col. Cipriano Galanida ang mga namatay na sina Airman 1st Class Sabado Angelo, Airman 1st Class Aaron Tabarle ay Airman 1st Class Kyle Justiine Velasco.

Si Airman 2nd Class Manuel Ognes, na nagmamaneho kotse ay nakaligtas sa aksidente.


Ayon sa ulat, naganap ang aksidente bandang ala-1 ng ng madaling-araw sa EDSA at North Road sa Brgy. Lipunan Crame.

Sakay ang apat ng kotse (NDR 7213) na minamaneho ni Ognes galing sa P. Tuazon patungong Ortigas Avenue nang salpukin nito ang isang concrete barrier.

Sa ulat ng rumespondeng traffic enforcers, lumiyab ang sasakyan ng mga sundalo at hindi nakalabas ang mga biktima.

Kasalukuyang nakadetine si Ognes sa Traffic Sector 4 at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property.


Tags:

You May Also Like

Most Read