Latest News

KORINA SANCHEZ FLAG BANNER NG BNC

By: Beth Gelena

MAY bagong ina-launch na news channel kamakailan — ang BNC (Bilyonaryo News Channel).

Ito ay ang bagong broadcast channel na mapapanood ng publiko tulad ng comprehensive coverage ng ating national issues, politics, lifestyle at sports.

Pinaghandaang mabuti ang pagtatatag ng BNC dahil sa line-up pa lang ng mga news anchor na mga bonggang veteran journalists at media personalities ang magsasama-sama sa pangunguna ni Korina Sanchez.

Muling magbabalik sa news arena ang mahusay na broadcast/journalist matapos ang halos 10 taon niyang hindi paghu-host bilang news anchor.

Dati sa ABS-CBN’s TV Patrol si Koring.

Noong 2015 nang umalis siya sa news at nag-focus sa magazine lifestyle programming tulad ng “Rated Korina” (airing on TV5, A2Z, and Kapamilya Channel) and “Korina Interviews” (on Net 25).

Ang pagbabalik ni Korina sa BNC signals ay patunay lang na mahal niya ang news and public affairs.

Nag-post na rin ang TV host, broadcast, journalist sa kanyang Instagram ng teaser ng BNC at nilagyan ng caption: “And now… Back to the news.”

Mainit namang tinanggap ng netizens ang pagbabalik ni Korina sa broadcasting.
Komento nga ng netizens:
“Ma’am!!!!!!!!!! Yey! Finally! #thewinnertakesitall.”
“Iba ka talaga .”
“Kailan magsisimula ito Ms K.”
“Oh My!!!! SHE is Back. “
“Yey! Love it! it’s time real news comes back!!!”
“So Excited to see you delivering the most important news again. “
“From ANC to BNC! All the best ms @korina.”
“Kaabang abang sana di gaya sa iba na news and entertainment pinagsama ang news program ms k dapat substance fair and relevant sa society.”
“Congratulations! Sa wakas may mapapanood na ulit na makabuluhang balita from the world class news anchor @korina”
“Welcome back! Respect .”
“About time. Congrats!”
“Dasurv! Grats, Ma’am.”
“Tama mag start na lang yan by September.wag ngayong august kase ghost month baka di magtagal sa ere.”
“Wherever you are we’ll be there Ms @korina.”

Makakasama ni Korina sa BNC ang iba pang notable media personalities tulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel anchors na sina Marie Lozano and Maiki Oreta.

Kinuha rin ng station ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating Disaster Resilience undersecretary sa President Rodrigo Duterte administration.

Siya naman ang hahawak ng public affairs programming ng network.

Kasama rin sa line-up ang dating “Newsfeed” anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor Paolo del Rosario.

Sa mga bigating line-up pa lang na ito, inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape, offering viewers a fresh and comprehensive approach to news reporting.

Ang BNC ay mapanood nang libre sa TV Channel 31 and on cable via Cignal Channel 24.

Tags:

You May Also Like

Most Read