NAMATAY matapos na diumano ay tumalon ang isang 19-anyos na Korean national mula sa ika-apat na palapag ng isang condominuim building sa Ermita , Manila Martes ng tanghali.
Nakilala ang biktimang si Daniel Jeong alyas Ji Taek, nanunuluyan sa Unit 501 sa ika-5 palapag ng Alpha Grand View sa 1716 Roxas Boulevard, Ermita.
Base sa ulat ni Det.Zoilo Nazario na isinumite kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section , bandang 11:05 ng tanghali nang makitang tumalon mula sa ika-4 na palapag ng nasabing Condo.
Depression ang umano’ y sinasabi ng ilang kaanak at kaibigan ng biktima. na nagtulak sa biktima upang tumalon.
Gayunman, ipinarating na sa Consul-General ng Korea dito sa bansa ang pangyayari at iniimbestigahan ngayon kung may “foulplay” sa naturang pangyayari.