KOREANO, NAHATULAN DAHIL SA PAGMALTRATO NG HAYOP

By: Baby Cuevas

Dalawang taong pagkabilanggo at multang P100,000 ang ipinataw sa isang Koreano matapos mapatunayang guilty sa kasong ‘animal cruelty’ na isinampa laban sa kanya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) noong Marso 2024.

Si Jung Seongho ay nahatulan matapos na saksakin ng limang beses ang isang ‘aspin dog’ na si Erica, na inampon at inalagaan ng isang restaurant noong 2021 asa panahon ng COVID-19 pandemic.

Inilabas ang desisyon ng Manila Regional Trial Court noong Nobyembre 12 pero ngayon lamang isinapubliko.


Ayon sa records ng korte, bago sinaksak ng akusado si Erica ay kinagat muna ng isang asong gala at pumunta sa isang restaurant para linisin ang kanyang sugat at doon ay tinahulan siya ni Erica nang makita, dahilan para damputin nito ang isang kutsilyo at saka pinagsasaksak ng limang beses si Erica na naging sanhi ng kamatayan nito.

Si Jung na may asawang Filipino ay ikinulong ng mga awtoridad matapos ang citizen’s arrest.

Tags: Philippine Animal Welfare Society (PAWS)

You May Also Like

Most Read