Koreano, nag-collapse, patay

Patay ang isang 56-anyos na Korean national matapos na mag-collapse habang naglalakad papunta sa comfort room, kamakalawa ng umaga sa Malate,Maynila.

Kinilala ni PSMS Jero Santos,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na si Yen Jun Park, nanunuluyan sa Rm 604 Crown Palace Hotel na matatagpuan sa 1726 Adriatico St.,Malate,Maynila.


Naganap ang insidente alas- 5:30 ng umaga sa loob ng Hong Chun Cheon Cheese Dark Galbi Restaurant kung saan nag-almusal ang biktima kasama ang dalawang kababayan at dalawang Pilipina.

Ayon kina Joan Brinas,26 at Hazel Kate Jaligue,19, kaibigan nila ang biktima.

Bago nawalan ng malay, tinawagan umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan na sina Jeong Taesong at Sangduk Kim at inimbita na makipag-agahan kasama ang dalawang nasabing babae.


Nang maka-order ng pagkain,tumayo ang biktima para magpunta sa comfort room pero habang naglalakad ay nawalan ng malay-tao.

Kaagad namang tumawag ng ambulansiya ang crew nang restaurant pero napilitan si Kim na kunin ang kanyang kotse nang mainip sa paghihintay ng ambulansiya, at dinala nila ang biktima sa Manila Medical Center subalit siya ay idineklarang dead-on-arrival. (Jantzen Tan)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like