KOREAN FUGITIVE ARESTADO NG BI-FSU SA BATANGAS

By: Jerry S. Tan

Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang South Korean national na ‘wanted’ sa kasong fraud, sa isang enforcement operation sa Laurel, Batangas.
Ayon kay FSU head Rendel Ryan Sy, ang operasyon ay isinagawa noong March 4 sa Tagaytay–Nasugbu Highway sa Barangay Niyugan, Laurel, Batangas.

Ang banyaga na si Kim Yong Cheol, 62, ay inaresto batay sa reklamo na gumagamit umano ito ng pekeng identities sa kanyang mga iligal na gawain.


Ani Sy, si Kim ay gumagamit ng Filipino identity pati na ng pekeng Philippine civil registry documents at passport.

Batay sa records, Pebrero ng nakalipas na taon nang mag-isyu ang Interpol ng Red Notice laban kay Kim kaugnay ng kasong fraud nito sa in South Korea. Nakapanloko umano ito ng maraming biktima noong 2009 sa pagpapanggap na ang kompanya niya ay naka-base sa Pilipinas at siya ay operator ng isang gaming firm, travel agency at online shopping platform.


Tags: Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU)

You May Also Like