Latest News

Korean Coast Guard, tutulong sa ‘oil spill’ problem

Nagpahayag ng kagustuhang tumulong ang Korean Coast Guard (KCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa paglilinis ng ‘oil spill’ sa Oriental Mindoro.

Ayon sa Korean Embassy, ito ang kauna -unahang pagkakataon na nagkaloob ng tulong ang KCG sa pagpigil sa marine pollution.

“This is the first time Korea has provided assistance for the prevention of marine pollution, and Korea highly values the importance of restoring areas affected by environmental disasters and accidents,” ayon sa Embassy sa Facebook post nito.

Gayundin, nabatid na magbibigay ang Korean government ng 20 tonelada ng sorbet pads at snares,1,000 metro ng solid flotation curtain boom, at 2,000 sets ng personal protective equipment (PPE) sa Pilipinas, bukod pa sa pagkakaloob ng mga technical experts.

Magugunitang ang Motor Tanker Princess Empress ay may kargang 900,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog dahil sa mga higanteng alon noong Pebrero 28 lamang. (Baby Cuevas)

Tags:

You May Also Like

Most Read