Latest News

KONSULTASYON UKOL SA AFGHAN REFUGEES, TULOY PA RIN

Ni MARK ALFONSO

TULOY pa rin ang konsultasyon ng pamahalaan kung tatanggapin o hindi sa Pilipinas ang mga Afghanistan refugees na una nang hiniling ng Estados Unidos.

Ito ang reaksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kung ano na ang kanyang desisyon kaugnay sa nasabing isyu.


“We have made some progress but there’s still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the US,” punto ni Marcos sa isang panayam sa San Fernando City, Pampanga.

Gayunman, hindi partikular na tinukoy ng Pangulo kung anong mga balakid dito.
Aniya, sinusuri pa nila ang mga posibleng problemang lilikhain at ang mga posibleng solusyon dito.

Maselan din aniya ang naturang usapin dahil may halong pulitika at isyung pangseguridad kaya dapat maging maingatsl sila sa pagdedesisyon.

“Ito kasi may halong politika , may halong security so medyo mas kumplikado ito. So we’ll look at it very very well before making a decision,” punto ng Pangulo.


Dagdag pa ng Chief Executive, hindi ito minamadali ng gobyerno kaya wala rin aniyang itinakdang deadline ang gobyerno kung kailan pagpapasyahan ang pagtanggap sa Afghan refugees.

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand R. Marcos

You May Also Like

Most Read