Latest News

Konsi Joel Chua, dapat sa Kongreso

BATANG Quiapo. Tunay na Manileño. Abogado ng Distrito.

Kilala si Atty. Joel Chua bilang konsehal ng 3rd District ng Maynila.

Ngayong 2022 sya ay nasa ika-apat na termino na at tumatakbong Congressman sa ikatlong distrito ng Maynila.


Siya ay ang kasalukuyang Majority Floor Leader ng buong konseho ng Maynila.

Ang abogado na si Joel Chua ay lumaki sa Quiapo, Maynila at nang makapasa sa bar exam ay nagtrabaho sa Kongreso, sa opisina ni Congressman Ignacio Arroyo.

Nang dahil sa tatlong taong karanasan nito sa nasabing trabaho ay ninais niyang pumasok sa pulitika.

Wala siya gaanong alam noon patungkol sa pulitika, tanging ang kaniyang kaalaman lamang bilang abogado ang bitbit niya nang tahakin ang pagseserbisyo bilang lingkod bayan.


Sa loob ng 12 taon niyang paninilbihan bilang konsehal ay marami na siyang naitulong hindi lamang sa ating Distrito ngunit pati na rin sa buong Maynila.

Nababalita naman kung gaano naging maunlad ang buong Maynila sa administrasyon na ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey, at naging malaki ang ambag ni Atty. Joel Chua sa pagpapaunlad nito.

Si Atty. Joel Chua ang gumawa ng batas na makatutulong sa ating mga kababayan kagaya ng pagbibigay ng 500 buwan-buwan na social amelioration sa mga senior citizens, sa mga PWDs, sa mga solo parents, sa mga Grade 12 students, at 1,000 naman sa mga PLM students, at saka sa UDM students. Ang abogadong si Joel Chua ang Chairman ng Committee on Appropriation kung saan siya ang nagbabalangkas ng budget upang mabalanse ang lahat na pangangailangan ng mamamayan.

Siya rin ang vice chairman sa Committee on Laws kung saan dumadaan ang isang bagay bago ito maisabatas.


Sumatotal, si Atty. Joel Chua ay nagsulat at nakapagpasa na ng halos tatlong daang (300) ordinansa. Ang tanging bisyon ni Konsehal Joel Chua ay suportahan ang mga magagandang plano nina Mayor Isko at Vice Mayor Honey sapagkat ayon sa kaniya ay nakikita naman ng lahat kung paano bumalik ang Maynila sa maayos na sitwasyon sa kabila ng pandemya at laganap na mga problema sa Maynila nang dahil sa mga magagandang programang ipinatupad ng tambalang Isko-Honey. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read