KON. NUMERO “UNO” LIM NG MAYNILA, TUMULONG SA BIKTIMA NG BAGYO BILANG RESERVIST

By: Jerry S. Tan

“Nananawagan kami sa inyong lahat—tulong-tulong tayong magbigay ng suporta sa mga nasalanta. Anumang tulong, maliit man o malaki, ay makakatulong sa kanilang muling pagbangon. ”

Ito ang panawagan ni Manila Councilor Numero “Uno” Lim (2nd district) na tumulong sa “Sama-Sama sa Pagbangon: Bayanihan para sa Bicol” effort para sa mga biktima ng bagyong ‘Kristine.’


Bilang isang sundalo at Philippine Navy Reservist na mula sa Tondo, dala natin ang pakikidalamhati at ang kagustuhang makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Kristine, ani Lim.

Sinabi nito na sa bawat aksyon, may malasakit at pag-asa na maliliit na hakbang na nagdadala ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.

“Maraming salamat sa GMA Kapuso Foundation sa kanilang walang sawang suporta sa mga nangangailangan. Ang inyong tulong ay nagbibigay ng pag-asa at lakas sa mga kababayan natin,” ani Lim.


Tags: Manila Councilor Numero "Uno" Lim

You May Also Like