INIATAS ng Supreme Court (SC) na maghain ng komento sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,Executive Secretary Lucas Bersamin, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Tariff Commission Chairperson Marilou Mendoza kaugnay sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng Executive Order (EO) No. 62, na nagbabawas sa taripa ng imported rice at iba pang agricultural products mula 35 porsiyento hanggang 15 porsiyento.
Binigyan ng SC En banc ang respondents ng 10 araw para magsumite ng kanilang komento mula sa pagtanggap ng resolusyon.
Nabatid na nabigo ang SC na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO).
Sa 27-pahinang petisyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Inc., Federation of Free Farmers (FFF) Inc., United Broiler Raisers Association Inc., Sorosoro Ibaba Development Cooperative at Atty. Argel Joseph ng Magsasaka Party-list, hiniling nila sa SC na ideklara ang EO 62 bilang ‘unconstitutional’.
Sinabi ng petitioner na ang naturang EO ay magiging dahilan para dumepende ang bansa sa imports na maaring mag-kompromiso sa “self-reliance and independence” ng bansa sa produktong agrikultura.
“Instead of protecting and supporting our farmers, EO 62 exposes our very own food producers to unfair foreign competition,” ayon sa petisyon.
Ang EO 62 ay lumalabag umano sa kondisyon itinakda sa ” Flexible Clause of Republic Act 10863″ ,pangalawa ang EO 62 ay taliwas para maging self reliant at independent ang national economy na kontrolado ng mga Filipino. Bukod pa sa hindi nito mapu-protektahan ang mga magsasakansa unfair competition at trade practice .
Iginiit rin sa petisyon na nagbawas na ng 15 porsiyento sa corn imports, 15 porsiyento sa baboy at 35 porsiyento sa bigas sa ilalim ng EO 10 at ang pagbawas din sa electric vehicles sa ilalim ng EO no 12.
Ibinabala ng petitioner na ang pagbaba pa ng taripa sa bigas at mais ay maaring. magresulta sa pagdagsa ng murang imported goods na tatalo sa domestic farmers at producers ng bansa.