Latest News

KOLEKTOR NG REBOLUSYONARYONG BUWIS NG NPA SA MASBATE, SUMUKO

UNTI-UNTI nang nanunumbalik ang tiwala ng mga kasapi ng rebeldeng NPA sa gobyerno at patunay dito ang kanilang sunod-sunod na pagbabalik loob.

Sa probinsya ng Masbate, isa na namang miyembro ng rebeldeng samahan ang piniling muling tahakin ang maayos, marangal at tahimik na pamumuhay.

Sumuko sa pinagsamang operatiba ng Pio V. Corpus MPS; PIU at 2nd PMFC ng Masbate PPO; PIT-RIU5 at IOS FIID PNP-SAF ang isang rebeldeg itinago sa pangalang ”Marita”.


Siya ay aktibong miyembro ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4 sa ilalim ng COMPROB ng Rogelio Suson aka “Ka Manong” na nakatuon ang operasyon sa ikatlong Distrito ng Masbate. Ayon pa sa kanyang salaysay, siya ay nahikayat sumali sa samahan noong taong 2009.

Ang naturang rebel returnee ay aktibong nakikibahagi sa mga aktibidad ng rebeldeng samahan bilang kolektor ng rebolusyonaryong buwis particular na sa mga politiko at businessman sa munisipalidad ng Pio V Corpus, Masbate.

Ang mga pera umanong nakukuha nito at kanyang inihahatid sa iba pa nitong kasamahan na nakabase sa Brgy. Tawad and Brgy. Baras, ng Esperanza, Masbate.

Ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng NPA ay bunsod na rin nang pinalakas na Retooled Community Support Program na ipinapatupad ng PNP Bicol sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD upang hikayatin ang mga itong magbalik-loob sa pamahalaan.


“Ang aming himpilan ay palaging bukas para kayo ay salubungin at bigyan ng pagkakataong magbagong buhay. Hayaan ninyong samahan kayo ng inyong KASUROG Cops sa pagharap sa panibagong yugto ng inyong buhay bilang mas kapakipakinabang na indibidwal na ating lipunan” ayon kay RD ESTOMO. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read