Second collection sa mga banal na misa ngayong weekend masses para sa mga biktima ng bagyong Egay, ipinag-utos ng Archdiocese of Manila
Nakatakdang magsagawa ng second collection ang mga simbahang sakop ng Archdiocese of Manila ngayong weekend para sa mga biktima ng bagyong Egay.
Umapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na magkaisang tumugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo, lalo na sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at malinis na inuming tubig.
Inatasan ng Cardinal ang mga parokya ng arkidiyosesis na magsagawa ng second collection sa mga misa sa Sabado, Hulyo 29 at Linggo, Hulyo 30, upang makalikom ng pondo para ipamahagi sa mga apektadong diyosesis.
“As we offer our prayers and sacrifices for the victims of typhoon Egay, we will help our brothers and sisters in alleviation of their sufferings,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.
Aniya, ang malilikom na donasyon ng mga parokya ay dadalhin sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila hanggang sa Agosto 4.