Isang 21-anyos na kolehiyala ang inaresto ang mahuling nang-uumit ng tatlong pirasong damit sa isang establisimiyento sa SM Manila noong Huwebes ng gabi.
Dinala sa kustodiya ng Manila Police District -Police Station 5 ang suspek na kinilala sa palayaw ng “Jia” ng Pasig City.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa ‘Uniqlol’ na matatagpuan sa upper ground floor ng SM Manila.
Diumano, pumasok umano ang suspek sa establisimiyento at isinilid sa kanyang bag ang mga damit na may kabuuang halagang P3, 170.
Lingid sa kaalaman ng suspek ay nakita na siya ng security guard ng Uniqlo na si Raquel Niña Navarro, 32.
Paglabas sa establisimiyento ay sinita ang suspek at hiningi ang resibo ng kanyang pinagbayaran pero wala itong naipakita, kung kaya’t siya ay inaresto.
Ang kolehiyala ay sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 308 o theft thru shoplifting sa Manila Prosecutors Office.