Latest News

Kodigo, bawal sa Presidential debate

HINDI papayagan ang pagdadala ng kodigo sa debate podium ng mga presidentiable sa gaganaping “Pilipinas Debates 2022″ na inorganisa ng Commission on Election(Comelec) ngayong araw, Marso 19, sa Pasay City.

“We will not allow any notes on stage. Although we will be providing notepads and pens on the podium to enable the candidates to (write) down notes if they want,”ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez nang puntahan nito ang debate venue sa Sofitel Hotel Tent.

Ayon kay Jimenez,kabilang sa topic na pag -uusapan ay ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic at ang ekonomiya.

“These are the two biggest things on the minds of everyone right now,” dagdag ni Jimenez.

Nabatid na sa presidential debate ay mayroong podium sa stage na kumakatawan sa bilang ng kandidatong tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

“We have a pool of 20 questions but we don’t expect all of them to be asked. Again, this is not a questionnaire type of debate wherein all questions are going to be asked. The debate will be organic and we will flow according to responses of the candidates,” giit ni Jimenez.

Ang unang kandidato na magsasalita ay pipiliin sa pamamagitan ng draw at ang susunod na magsasalita ay pipiliin alphabetically.

Nang tanungin si Jimenez kung ano ang gagawin kapag sumulpot si dating Senator Ferdinand Marcos sa debate,sinabi nito na “Will see what happens if he shows up tomorrow (Saturday) but as of right now, we have no information that he will.”

Unang sinabi ng spokesperson ni Marcos na si Atry , Vic Rodriguez, na hindi dadalo sa debate si Marcos.pero wala pa itong isinusumite na : formal notice of non-participation ” sa Comelec.

“Right now, we are conducting candidate briefings also in other places of this complex since they need to see the venue where the debate will be held and we are preparing for the candidates,” ayon pa kay Jimenez.

Magsisimula umano ang debate alas 7 ng gabi hanggang alas 9 ng gabi. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read