Usap-usapan ngayon sa social media ang deactivation umano ng social media ni Kobe Paras.
Ayon sa mga komento, hindi umano ma-search ang social media ng anak ni Benjie Paras.
Espekulasyon ng netizens, deactivated umano ang account ng binata.
“User not found” kapag sini-search ang account.
Wala pang reaksyon ang basketball cager kung may katotohanan ngang deactivated ang kanyang account at bakit.
“Bakit wala IG ni kokoparas?”
“Nakadeactivate ata ig account ni kobe. Sana okey lang sila (Kyline Alcantara).” “Bakit hindi ko na masearch si kobe.” “Totoo? Hindi ko sya masearch.”
Isa namang netizen ang nagtanong kay Kyline, “Idol Kyline bakit wala na po Instagram si Idol Kobe?”
“Deactivated ata ig ni kobe. hindi natin alam kung bakit. pero pls, tigilan niyo na kasi kakamention sa kaniya sa mga ig posts ni kyline. Pinepressure nyo nang mag-like, comment, story, or what eh. While its true that their chemistry is something and it’s making u all happy, let’s stop making it look like they are responsible to keep that ‘kilig’ para sa inyo. Kaya nga lowkey kasi hindi yan loveteam na gagawa ng teleserye or series. Let them enjoy what they have genuinely,” say ng isang commenter na may pag-aalala sa celebrity couple.