Latest News

KLASE SA MAYNILA, SINUSPINDE NI MAYOR HONEY DAHIL KAY ‘KRISTINE’

By: Jerry S. Tan

Sinuspinde ni Manila Mayor Honey Lacuna ang klase sa preschool hanggang Senior High School (SHS) sa lungsod bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Kristine.’

Ani kay Lacuna, ang suspensiyon ay kaagad niyang ipinatupad matapos na ideklara ng state weather bureau na PAGASA ang signal no. 1 sa Metro Manila dakong alas-11:30 ng umaga nitong Martes.

Sinabi ng alkalde na alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 37, Series of 2022, awtomatikong suspendido ang klase sa Kinder up hanggang SHS sa ilalim ng Signal No. 1.


Sakop ng kautusan ang lahat ng public at private schools, face-to-face at online classes, maging ang Alternative Learning System (ALS).

Kaugnay nito, pinaalalahanan rin ng alkalde ang mga residente na maging handa at mag-ingat upang makaiwas sa disgrasyang hatid ng bagyo.

“Manatili na lang po sa inyong mga tahanan at inaabisuhan ang lahat na maghanda at mag ingat,” dagdag pa ng alkalde.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read