Latest News

Klase sa Cagayan de Oro, suspendido sa Nipah

By: JANTZEN ALVIN

SinuspindI ang klase ng mga estudyante sa Cagayan de Oro dahil sa ulat na outbreak ng “Nipah virus” sa paaralan na may mga eStudyante at school personnel na may impeksiyon.


Ang “Nipah” virus o NiV 2023 ay nakukuha sa pamamagitan ng oagkakaeoob ng kontak sa mga hayup gaya ng baboy at prutas na kinakain ng fruit bats .

Nabatid sa Health officials ng rehiyon na wala pang vaccines para mapigil ang virus.

Nabatid kay Aude Borres, assistant school superintendent, ng Department of Education (DepEd) sa Northern Mindanao, na nag isyu siya ng Memorandum Order na nagsuspindensa klase dahil sa malawakang ubo at sipon sa mga eatudyante .


Hinikayat ng paaralan na sundin ang COVID-19 virus health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay , social distancing, pag- iwas sa maraming tao at paggamit ng facemasks..

Nalaman na sintomas ng virus ang lagnat na tatlo hanggang 14 na araw pananakit ng ulo, ubo at mahirap na paghinga.


Ayon kay Borres, ipatutupad ang modular classes habang suspendido ang klase.

Nabatid na ang Nipah ay unang na-detect sa Malaysia noong 1998.


Tags: Nipah virus

You May Also Like