KISSING scene agad ang unang eksena nina Ruru Madrid at Vivamax sexy star na Pantasya ng Bayan ngayon ng mga kalalakihan na hindi pinalalampas ang bawat pelikulang ginagawa ni Angeli Khang.
Pagdating kasi sa mga sexy scene at hubaran ay walang takot ang batambatang sexy star ng Vivamax.
Hindi naman ikinaila ni Rura na nagulat siya na halikan agad ang kanilang eksena ni Angeli sa action serye na “Black Rider” na napapanood sa GMA-7.
“Pagdating ko sa set, walang signal dahil nasa Tanay kami. Pag-check ko, totoo nga! May kissing scene nga. At kanino? Kay Miss Angeli Khang. Medyo nagulat ako na mayroon agad na ganoon na eksena,” kuwento ni Ruru sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Nagka-problema si Ruru that day kasi wala raw signal kaya hindi niya agad nasabi sa girlfriend na si Bianca Umali.
“Siyempre, alam naman natin, kailangang ipagpaalam yung mga ganyang bagay. Eh, dahil wala pong signal, hindi ko po nasabi agad,” aniya.
Katwiran si Ruru na bilang pareho silang artista, hindi naman daw talaga sila nagpapakialaman pagdating sa mga ganyang eksena.
“Kami kasi, ang usapan namin pagdating sa mga ganyang bagay, wala naman kaming pigilan. Hindi naman namin pinapakialaman ang trababo ng isa`t-isa. Kumbaga, sa aming dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparent kami `pagka may mga ganyang eksena,” paliwanag ni Ruru.
Agad ding nagpaliwanag si Angeli sa televiewers na nagagalit sa kanya.
“Para sa mga viewers, trabaho lang po. Professional,” say ni Angeli
Si Angeli ang isa mga character na pumasok sa bagong yugto ng action serye ni Ruru na Black Rider. Ang role ni Angeli ay bilang si Nimfa na isang tindera ng pinya.
Kung may nagalit kay Angeli na ilang televiewers ay marami naman kalalakihan ang nainggit kay Ruru dahil nakahalikan nito ang iinapantasya nilang sexy star.