MAY post si Paulo Avelino sa kanyang Instagram page ng 10 photos kasama ang cute pic nila ni Kim Chiu sa kanyang June photo dump.
Ang ten pix ay ang city scenery kung saan nagshow sila ni Kim doon.
Shinare rin ng aktor ang kanyang solo photos, where he could be seen having a good time.
Habang ang last photo was the one that made a lot people felt kilig kung saan sila ni Kim ay nasa loob ng elevator.
Komento ng netizens:
“WALA NA ENDGAME NA!! IHANDA NA ANG MGA LETCHON!!!”
“It’s always the last picture our KimPau.”
“I CANNOT! KAYA NINYO PA BA????”
Kamakailan lang ay nag-viral ang KIMPAU about their “hintayan” moments sa isang interview.
Nag-circulate kasi sa social media na pagkatapos nilang magtaping ay naghihintayan ang dalawa.
Maging ang photo ni Kim na ginawang screensaver ng actor sa kanyang cellphone ay naging usap-usapan.
Na-ambush interview ang aktor at pinakita niya ang photo ni @chinitaprincess na nagsisilbi ngang wallpaper ng kanyang phone.