Latest News

KIM CHIU, WAGI BILANG OUTSTANDING ASIAN STAR SA KOREA

By: Beth Gelena

BINATI si Kim Chiu ng kanyang co-hosts sa “It’s Showtime” sa pagbibigay sa kanya ng “Outstanding Asian Star” ng Seoul Drama Awards 2024.

Say ni Chinita Princess sa caption ng natanggap na invitation at pagbati bilang Outstanding Asian Star: “I got the news today! I am lost for words… beyond thankful, grateful, and extremely happy!!!”

Hindi daw makapaniwala si Kim na mangyayari ito sa kanya, kaya todo ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at lalo na daw sa kanyang “lovely supporters.”


“I am very, very lucky to have you all behind and beside me,” say pa ni Kim.

Ilan sa nag-congratulate kay Kim ay sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, ang BFF niyang si Bela Padilla, Iza Calzado, Melai Cantiveros at ang kanyang Star Magic family.


Kinilala ng Seoul Drama awards ang mahusay na pagganap ni Kim sa series na “Linlang” kaya naman ang hashtag niyang inilagay ay #JulianaMadeItToKorea.


Tags: KIm Chiu

You May Also Like

Most Read