Latest News

KIM CHIU DAMING SAMPAL NA INABOT KAY MARICEL SORIANO

By: Beth Gelena

IBINAHAGI nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung papano sila nanatiling kaibigan ng dati nilang naging karelasyon.

Natanong ang “Linlang” actors kung magiging kaibigan pa ba raw nila ang mga karelasyon kung cheater umano ang mga ito.


Ani Paulo: “It’s not very easy. I think immediately hindi pero minsan sa katagalan na rin ng panahon at siguro depende na rin kung paano kayo makipag-usap sa isa’t isa, yung pakikitungo niyo sa isa’t isa maayos, I think over time or eventually pwede.”

Para naman kay Kim: “Lahat naman ng sugat hindi naman siya agad-agad gumagaling so lahat ng panloloko hindi mo agad mapapatawad. So I think it involves time and acceptance.”

Ni-refer ni Kim ang character niya sa “Linlang” teleserye: “Para na rin siguro sa sitwasyon ni Juliana at Victor, may anak kasi sila so may consideration din na kasama. May time, acceptance, and be considerate sa anak niyo para hindi na rin siya ma trauma or ganoon. I-set aside muna yung hate. May oras na kailangan daanan yung proseso. Hindi naman din kasi siya in one click mapapatawad na kita, okay magbati na tayo para sa anak natin. May oras talaga, buwan, taon o a decade.”


Ayon naman kay Maricel Soriano: “Kasi ang mga bata akala mo lang naglalaro sila diyan pero Dumbo ears yang mga yan. Alam nila yan kasi ako Dumbo ears din ako noon.”

Dagdag pa ng aktres: “Napaka-sensitive nila kahit wala kang sinasabi, alam nila. Kasi magkukwento yan kapag medyo malaki-laki na.”


Si Marya ang ina ng magkapatid na Paulo at JM de Guzman sa “Linlang” na mapapanood na sa January 22 sa TV5.

Parehong tinuhog ni Kim ang magkapatid kaya katakut-takot na sampal ang inabot ni Kimmy sa mga palad ni Marya.


Sabi nga ng netizens, mabuti na lang daw at hindi namaga ang pisngi ng @chinita princess.

 



Tags: KIm Chiu

You May Also Like