Latest News

KIM, BELA NAG-REUNION SWITZERLAND

By: Beth Gelena

IPINOST ni Kim Cniu ang video nung magkikita sila ng kaibigang si Bela Padilla sa Switzerland.

Nagyakap ang dalawa na matagal-tagal na ring hindi nagkita.

Sa caption ni Kim: “May sumundo sakin sa train station. Finally nagamit ko na din yung kantang to by @jedmadelaofficial !!! momsy @bela miss you sooo muchie !!!! Always here for you!??? pero yung bag ko tumakbo din kasi eh!!! Wahahahaha”


Makikita nga sa video na mag-isang tumatakbo ang kanyang bagahe dahil binitawan niya ito nang makita si Bela at nagyakap sila.

Komento nga ni Eric Santos: “Ang luggage”

Kinaaliwan ang biglang pagkalas ni Kim sa pagkakayakap kay Bela nang maalala ang kanyang bagahe.

Sa Instagram naman ni Bela, may dalawang wine glass na naka-post at may caption na: “So happy to share the last 24 hours with you @chinitaprincess you made me laugh more than I laughed the whole year and that’s exactly what I needed!”


Medyo may hugot ang aktres-direktor dahil alam naman sa showbiz industry na pumanaw na ang ama ng aktres and she’s still mourning.

Tags: Bela Padilla, KIm Chiu

You May Also Like

Most Read