Latest News

Killer, timbog

Natimbog ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District (MPD) at 4th MFC ng Regional Mobile Force Batallion ng National Capital Regional Office ( NCRPO) ang isang “killer” at nasa top 1 most wanted person ,dahil sa kasong Murder at Frustrated Murder , kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Kinilala ni PLt.Col.Magno Gallora Jr., station commander ng MPD – Police Station 11 ,ang suspek na si Jimmy Empleo y Cacal, 46 at residente ng Quintin Paredez St., Binondo.

Alas- 3:30 ng hapon nang mamataan ang suspek sa panulukan ng Juan Luna at Rentas Streets sa Binondo.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest inisyu ni Manila RTC Br 37 Presiding Judge Virgilio Valdez Macaraeg nitong Hulyo 12,2022 , dahil sa kasong paglabag sa Article 248 (Murder) at (Frustrated Murder) in Relation to Article 6 of Revised Penal Code as Amended by RA 7659.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 11 ang suspek at hinihintay na lamang ang commitment order mula sa korte dahil walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read