Natunton ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District ang isang ‘most wanted person’ na pinaghahanap sa kasong murder at attempted murder sa pinagtataguan nitong lugar,kamakalawa ng hapon sa Pulilan,Bulacan.
Hindi na nagawang makatakas pa sa mga tauhan ni PMajor Edward Samonte ,hepe ng SMaRT, ng suspek na si Rene Boy Golias y Boleche, alyas Rence, 30,helper at taga Helping Complex, Brgy. 105, Tondo, Maynila.
Ang suspek ay nadakma,alas-.5:30 ng hapon matapos ang may isang linggong pagmamanman sa may Esguerra Street, Brgy. Longos, Pulilan, Bulacan
Si Golias ay inaresto sa bisa ng inisyu na arrest warrant ni Manila RTC Branch 25 Presiding Judge Marlina Manuel na.may petsang Oktubre 1.
Nabatid na walang inirekomendang piyansa sa kasong murder ang korte habang may inirekomenda naman na P72,000 piyansa sa kanyang kasong attempted murder.
Nag-ugat ang operasyon mula sa intelligence report ng MDIT-RIU-NCR na sinundan ng matiyagang surveiilance ng mga pulis.
Nakadetine ang suspek sa SMaRT para sa kaukulang disposisyon. (JERRY S. TAN)