By: JANTZEN ALVIN
Isang biktima ng ‘kidney for sale’ ang humingi ng tulong kahapon sa National Bureau of investigation (NBI) matapos na makaranas ng iba’t-ibang problema sa kalusugan nang matanggal na ang kanyang kidney.
Ito ay bukod pa umano sa isa pang muntik nang mabiktima ng ‘kidney for sale’ na nagkataong hindi nag-match ang kidney sa pasyente, kaya’t hindi na lang niya itinuloy ang pagbebenta ng kanyang kidney.
Napag-alaman kay NBI Director Jaime Santiago na sinabi ng.biktimang naibenta niya ang kanyang kidney sa halagang P200,000 pero inabot pa ng anim na buwan bago nabuo ang kabayaran, habang inamin naman ng isang muntik na.mabiktima na inialok niya sa Facebook ang kanyang kidney sa halagang P300,000.
Nabatid na matapos niya itong i-post, hindi nagtagal ay marami nang tumatawag sa kanya at nagi-inquire.
Gayunman nang hindi mag match ang kanyang kidney sa oagbibigyan ay minabuti niya na huwag na lamang ituloy ang pagbebenta ng kidney.
Ayon NBI,inaalam nito kung may kinalaman ang mga unang naaresto ng NBI sa Bulacan ,kamakailan sa bumili ng kidney sa biktima at sa muntik ng mabiktima.
Kapwa nakasuot ng hood ang mga biktima nang humarap sa NBI para itago ang kanilang pagkakilanlan.














