KIDNAP VICTIM NA-RESCUE NG MGA PULIS

By: Victor Baldemor Ruiz

DAHIL sa mabilis na pagkilos ng mga awtoridad ay nailigtas ang isang 8-anyos na batang babae na dinukot at isinilid sa luggage suitcase na may gulong para agad na mailayo mula sa kanilang bahay sa Mandaue City.

Sa ulat dahil sa CCTV footages ay agad na natunton ng Mandaue City Police office ang pinagdalhan ng suspek sa batang kinidnap na kanyang isinilid sa itim na luggage trolley suitcase na kanyang tinangay mula sa Barangay Bakilid, ng nasabing siyudad kamakalawa ng hapon.


Nakita sa footages na itinutulak ng isang lalaki ang maletang may gulong bandang tanghali palabas ng bahay hanggang sa kalsada lagpas katanghalian.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ina ng bata at kinahapunan agad na pinakilos ng Mandaue City PNP ang kanilang intelligence unit .

“PRO 7 immediately formed an elite team of intelligence officers to rescue the minor kidnap victim, return her to the custody of her parents and arrest the perpetrator,” pahayag ni Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, taga pagsalita ng PNP Police Regional Office 7.


Lumitaw sa imbestigasyon na kabisado ng suspek ang pasikot sikot sa bahay dahil katiwala ito ng pamilya ng biktima sa kanilang apartment

Sinabi pa ni P/Col. Jeffrey Caballes, Mandaue City Police Station chief, na may kinikimkim na galit ang suspek sa lolo at lola ng biktima.


Matapos ang tatlong oras na ay naibalik na ang bata sa mga magulang nito sa tulong ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk ng PRO 7. Habang inihahanda naman ang kasong kidnapping laban sa suspek.


Tags: Mandaue City PNP

You May Also Like