Nasawi ang isang 52-anyos na lalaki matapos na mabagok ang ulo sa sementadong kalsada nang hablutin ng isang snatcher ang suot niyang bracelet, kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz, Maynila.
Nasawi habang inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang biktimang si Leo De Vico Mercado , ng Maria Clara St.Sto.Domingo , Quezon City.
Naaresto naman ng Manila Police District-Police Station 3 , ang suspek na si Julius Cesar Genese, residente ng Quezon St., Brgy.116, Tondo, Manila matapos makunan ng CCTV ang insidente at nakilala ang suspek.
Ayon kay P/ Lt.Ferdinand Cayabyab , Block Commander ng Blumentritt Police Community Precinct na sakop ng Station 3, kuhang- kuha sa CCTV ang naganap na insidente sa panulukan ng Aurora Boulevard at Blumentritt St.sa Sta.Cruz.
Naglalakad sa lugar ang biktima nang biglang hablutin ang suot nitong gintong bracelet ng suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Nawalan ng panimbang ang suspek kaya nabagok ang ulo sa semento.
Kaagad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at nadakip ang suspek sa Batangas St , Tondo .
Sinampahan ng kasong robbery with homicide ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)














