Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD),Ang isang lalaki sa kasong sextortion matapos nitong i-blackmail ang isang babae na naging kasintahan niya sa Instagram platform na ikakalat ang mga hubad na larawan at video kapag hindi nakipagkita at nakipagtalik sa kanya sa Isang motel,kamakailan sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 286 (Grave Coercion) ng Revised Penal Code at R.A. 9995 (Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009), in relation to the Cybercrime law, sa Quezon City Prosecutors Office,ang suspek na si James Kenneth Pelaez.
Nag-ugat ang operasyon matapos na humingi ng tulong sa NBI-CCD Ang biktimang si Lyn,di tunay na pangalan.
Sinabi ng biktima na nagkakilala sila sa Instagram,at nagkaroon ng relasyon kalaunan hanggang sa nag i-video call na Ang dalawa at agpapaligaya sa sarili nang kapwa walang saplot.
Lingid sa kaalaman ng biktima inire-record ng suspek ang walang saplot na biktima hanggang sa oagbantaan ito nai-upload Ang kanyang hubad na larawan kung hindi makipagkita at makikipagtalik.
Sa takot ng biktima ay pumayag siyang makipagkita sa Isang motel sa Quezon City noong Hunyo 7, pero lingid sa kaalaman ay humingi ng tulong ang biktima sa NBI-CCD.
Nauna ang biktima at Ilan minuto pa ay dumating ang suspek na nagpakilalang siya si Pelaez at dito na siya dinamba ng mga ahente ng NBI na nakaposisyon na sa loob ng motel.