Kelot, tumalon sa dormitoryo, patay

By: Baby Cuevas

Lasog ang katawan at basag ang bungo ng isang hindi nakikilalang lalak nas tumalon sa isang “dormitory building” kamakalawa ng hapon sa Earnshaw Street, Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ni PCMS Joseph Kabigting ng Manila Police District -homicide section ang biktimang nasa edad 25-30, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5,4 at nakasuot ng kulay itim na t-shirt may tatak na “The Gamer”, puting short pants at puting rubber shoes.


Ayon sa imbestigasyon, bago lumundag ang biktima mula sa ika-13 palapag ng Lucky dorm na matatagpuan sa 614 Earnshaw St. Sampaloc, Maynila ay nakita itong pumasok alas 4:16 ng hapon.

Sinita umano ito ng guwardiya sa ground floor na si Almar Jundan at nang umakyat sa 2nd floor ay nagsalita ang biktima na “may pupuntahan lamang ako sa itaas” at saka sumakay ng elevator papunta sa 13th floor.

Sinundan umano ito ni Jundan at pag-akyat sa itaas ay nakita niya si Jay-r Alba,estudyante at nanunuluyan sa unit 610 ng Lucky dormitory na nakatingin sa biktima at pinipigilan pa itong tumalon.


Ilang sandali pa ay nakitang naglalakad sa gilid ng gusali ang biktima bago ito biglang tumalon.

Bumagsak sa sementadong kalsada ang biktima nang padapa at namatay noon ding mga sandaling iyon.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like