Latest News

Kelot, todas sa resbak

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos na resbakan ng kanyang nakaalitan kamakalawa ng gabi sa Sta. Catalina corner Trinidad Streets, Magsaysay Village, Tondo, Maynila.

Ayon kay PSMS Boy Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ronaldo Hipolito, ng Trinidad St., Magsaysay Village, Tondo, Maynila.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Jonathan Ferrer, 35, ng 221 Sta Catalina St., Magsaysay Village, Tondo.


Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas- 7:10 ng gabi sa nabanggit na lugar, kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo na umabot pa sa girian pero naawat ang dalawa ng kapatid ng suspek na si Cynthia Ferrer.

Umuwi naman sa bahay ang suspek pero kumuha ng patalim at binalikan ang biktima at nang makita ay inundayan ng saksak sa likod.

Tumakas ang suspek habang isinugod naman sa. pagamutan ang biktima.

Dinala ang bangkay sa funeral parlor habang sasampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang suspek.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read