Latest News

Kelot, sinaksak sa harap ng anak

By: JANTZEN ALVIN

Sugatan ang isang 39- anyos na lalaki matapos saksakin ng nakaalitan habang kasama ang kanyang 12-anyos na anak, kahapon ng madaling araw sa Sta.Fe Street, Tondo, Maynila.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Laudener Depano y Gonzales, 39, ng BLK 2 D23 Rawis Compound Brgy. 118 Tondo, Maynila dahil sa tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang ribs, habang mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na ‘Brutos’.


Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Police,sinabi ni Laurence,19, anak ng biktima, na nakita niya ang kanyang ama ala-1 ng madaling araw kasama ang kanyang nakababatang kapatid at papunta na sana sa tindahan ng kanilang ina nang salubungin ng suspek.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang kanyang ama at ang suspek at maya-maya pa ay nakita niya na sinaksak ng dalawang beses ang kanyang ama bago tumakas.


Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek upang papanagutin sa ginawang krimen.


Tags: Manila Police District - Police

You May Also Like

Most Read