Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos saksakin ng anak nang kanyang unang nakasuntukan,kahapon ng madaling araw sa may Rizal Avenue,Sta.Cruz,Maynila.
Inilarawan ni PSSG John Kevin Zuñiga, ang biktima na nasa edad 50-55, kayumanggi at may taas 5’3, na nasawi dahil sa dalawang saksak sa katawan .
Habang ang 2 suspek naman ay nakasuot ng itim na jacket at ang isa ay naka itim na t-shirt.
Sa imbestigasyon naganap umano ang insidente ala 1:15 ng madaling araw sa tapat ng SVL Dental Clinic sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Roberto Moya,Barangay Tanod,kapwa hindi umano residente sa lugar ang biktima at isang lalaki na nasa edad 60-62 ,miuembro ng Batang City Jail na unang nakasuntukan ng biktima.
Nakita umano ni Moya ang pagsusuntukan ng biktima at isang lalaki laya nilapitan niya at inawat ang dalawa pero nagsalita ang lalaki sa biktima ng “babalikan kita”.
Ilang minuto pa may dumating na 2 lalaki ,kapwa nasa edad 20-25 at hinahanap ang lalaking umano’y nakasuntulan ng kanyang ama.
Maya-maya pa ay nakita ang biktima na duguan at humihingi ng tulong kaya isinakay ito sa tricycle at dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center(JRMMC) pero binawian ng buhay alas.2:15 ng madaling araw.
Patuloy naman iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente para matukoy ang pagkakilanlan ng biktima at salarin. (Philip Reyes)