Dahil sa alitan, sugatan ang isang lalaki matapos barilin at saksakin ng kanyang mga kaaway, kahapon ng madaling araw sa Barangay 119,Tondo, Maynila.
Isinugod sa Ospital ng Tondo, ang biktimang si Abraham Carruso, nasa hustong edad, dahil sa tama ng saksak at baril sa katawan.
Arestado naman ang dalawa sa tatlong suspek na sina CJ Manalo at Jonathan Camangon, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang isang nagngangalang Arnold.
Nangyari umano ang insidente sa Barangay 119,pasado ala= 12 ng hatinggabi.
Nakita sa CCTV na hinabol ng mga suspek ang biktima, sinaksak , pinagpapalo at binaril ni Manalo at Arnold.
Itinanggi naman ni Camangon na may kinalaman siya sa gulo at hindi umano niya alam na may away si Manalo at ang biktima dahil pinapunta lamang umano sila sa may Osmeña para bumili ng shabu nang. mag-krus ang landas ng biktima at suspek .
Ayon kay Manalo, inunahan lamang niya ang biktima dahil palagi umano siyang pinagbabantaan nito.