PATAY ang isang 31-anyos na lalaki matapos na laslasin ang leeg ng isa sa kanyang dalawang nakainumam,kahapon ng madaling araw sa Romana Street, Tondo,Maynila.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Tondo Medical Center, ang biktimang si Gerome Ausina,taga 22 Rosal St.Happy Land,Vitas,Tondo.
Habang nakatakas naman ang mga suspek na sina Mark Anthony Estanislao at isang alyas Neil sakay ng NMax motorcycle.
Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Manalili,ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas 3:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Nag-iinuman umano ang mga suspek at biktima nang magkaroon ng mainitan pagtatalo,kasunod noon ay nagpambuno ang biktima at si Estanislao hanggang magawa nitong maitusok sa leeg ng biktima at patalim .
Mabilis naman tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo habang isinugod sa pagamutan ang biktima pero di na naisalba ng mga doktor.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ang mga suspek. (Carl Angelo)














