Natuluyan ang panakot na magpapakamatay ng isang 30-anyos na lalaki tuwing magkakaroon ng pakikipagtalo sa kanyang ka-live in, nang muli itong magtangkang magpakamatay sa harap mismo ng kinakasama,kamakalawa ng umaga sa Gate 3,Parola Compound,Tondo,Maynila.
Sa imbestigasyon ni PCPL Gary Reyes,ng Manila Police District -homicide section naganap ang insidente alas-6 ng umaga sa bahay ng biktimang si Emmanuel Bautista,vendor at nakatira sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Jenalyn Sabangan,ka live- in ng biktima, tuwing magkakaroon sila ng pagtatalo ni Bautista ay lagi nitong ipinanakot sa kanya na magpapakamatay.
Naghahanda na umano si Sabangan ng agahan nila ng biktima nang maisipan niya na pumasok sa banyo.
Nakita umano nito na nakatuntong sa plastic na balde at may nakapulupot na wire sa leeg ng biktima at bago pa man niya ito mapigilan ay nasipa na nito ang balde.
Kaagad humingi ng saklolo si Sabangan para maibaba ang biktima sa pagkakabigti nito at mabilis na isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center(GABMMC) pero hindi na ito umabot ng buhay.
Ayon kay Sabangan ,ilang beses na umanong nagtangkang magpalamatay ni Bautista at tuwing magkakaroon sila ng pagtatalo ay lagi umano itong nagbabantang magpakamatay.














