Latest News

Kelot, inatake sa “excitement”

Patay ang isang 49-anyos na lalaki matapos “atakehin” habang naghuhubad ng kanyang damit kasama ang isang “escort” girl sa loob ng SOGO Hotel, kamakalawa ng hatinggabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Idineklarang dead in arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC),ang biktimang si “Ronaldo”, ng Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Rodolfo Acosta III ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas-11:35 ng gabi sa Rm.703 ng Sogo Hotel sa Rizal Avenur, Sta.Cruz,Maynila.

Nabatid na nagcheck -in sa hotel ang biktima kasama ang isang 42-anyos na babae na residente ng Antipolo City. Nang nasa loob na ng kuwarto ay nagsimula nang maghubad ang biktima pero bigla nitong sinapo ang kanyang dibdib.

Kaagad namang tinawag ng babae ang hotel attendant na si Alfie Bernardo at tinulungan siyang isakay sa taxi ang biktima.

Nang makasakay ay bumaba si Bernardo at sinabi sa babae na hindi na nila sagutin ang biktima at bahala na siyang magdala sa ospital, kaya pinadiretso ng babae sa JRMMC ang taxi.

Inamin ng babae na isa siyang escort girl at kliyente niya ang biktima.

Dinala ang bangkay sa funeral homes para sa awtopsiya at safekeeping. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read