Latest News

Kelot, binoga ng kaalitan

Patay ang isang 49-anyos na lalaki matapos barilin ng suspek na una niyang nakaalitan,kahapon ng hapon sa Bautista Street, Quiapo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa katawan ang biktimang si Francis Buenaga na nagtangka pang tumakbo mula sa gunman.

Nabatid na naganap ang insidente ala-1:45 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang nakikipagtalo sa isang lalaki sa may Quezon Boulevard.

Isang nakaparadang ambulansiya ang tinamaan ng ligaw na bala.

Inaalam naman ng Manila Police District- homicide section ang pagkakilanlan ng lalaking huling nakaalitan ng biktima at posibleng motibo sa pagpaslang. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read