Kelot, binoga habang naglalaro ng dart

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 46-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa anim na suspek, habang naglalaro ng dart, kamakalawa ng hatingggabi sa may San Pedro Street, Balut, Tondo, Maynila.

Kinilala ni PMSG Irene Jay Manalili, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Joel Justiniani y Sorita, male, 46,at residente ng San Pedro Street, Brgy 142, Balut, Tondo, Maynila.


Ayon sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente alas-11 ng gabi habang abala ang biktima sa paglalaro ng dart nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Nang makitang napuruhan ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo ng krimen.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like