Kelot, binaunan ng bala

Nakahingi pa ng tulong sa kanyang kasama sa bahay ,ang isang 28-anyos na lalaki na pinagbabaril ng isa sa tatlong suspek habang nakaupo malapit sa isang basketball court ,kahapon ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Angelo Genese Y Ocbin ng 665 Daang Bakal sa Barangay 163 sa Tondo.


Habang mabilis na tumakas ang gunman,kasama ang 2 pa nitong back-up.

Ayon sa imbestigasyon ni PEMS Errhol Aguila,ng Manila Police District -homicide section, naganap ang inaixente alas.2:45 ng madaling araw sa Daang Bakal sa Brgy.163 Tondo.

Sa imbestigasyon,nakaupo ang biktima nang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima.


Nagawa pa umano makauwi ng bahay si Genese at kinatok pa niito ang pinto at nang buksan ,nakapagsalita pa umano ito na tulungan siya.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng krimen.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like