Latest News

KC WISH MAGING BFF ULIT SI SHARON

By: Gerry Ocampo

SA interview kay KC Concepcion sa podcast na “Updated with Nelson Canlas” sinagot lahat nito ang tanong tungkol sa kanila ng mom niyang si Sharon Cuneta.

Tinanong ni Nelson si KC ng: “Is there any part of your life that you would like to rewrite?”

Kahit ikinagulat ni KC ang tanong, sinagot niya ito ng: “Wow, big question, hahaha! Of course, there are! You know I wish I really would like for my mom and I to be best friends again.”


Dagdag pa niya: “There’s a lot of years that have gone by na siyempre may mga destructions kami and I know later on in life, we would be better than ever. Hindi mawawala yung pagmamahal namin sa isa’t isa and one day, kapag ikinasal na ako at nagkaanak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever and I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya, nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”

Dahil sa sinabi ni KC, marami ang nagwi-wish na sana matupad ang kaniyang pangarap na bumalik sa dati ang kanilang relasyon mag-ina at maging best friends ulit sila.

Matatandaan na nung malaman ni KC na magkakaroon ng concert ang kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon ay laking tuwa nito at hindi sa wakas ay natupad din ang kagustuhan niyang magsasama muli ang kanyang mga magulang kahit man lang sa stage na kumakanta.

“Ang sarap ng pakiramdam ko nang malaman ko magsasama sa isang concert ang aking mga magulang. Ito ang matagal ko nang pangarap na muling magsama sila at maging magkaibigan muli.


“Hindi ko hinahangad na muli silang magsama dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay. Ang gusto ko lang ay maging magkaibigan muli sila,” say ni KC.

Sinabi pa ni KC na ng malaman niyang magsasama sa concert ang kanyang parents ay nagkulong siya sa kuwarto para mapag-isa dahil sa sobrang saya ng kanyang pakiramdam.

And speaking of Sharon and Gabby concert, tila may problema nangyayari.

Nababalitang walang pictorial na magkasama at hindi magre-rehearse na magkasama sina Sharon at Gabby.


Maging sa sinasabing back-to-back press conference para sa kanilang concert ay hindi sila dapat magkita, pero hindi nangyari ito dahil nagpang-abot pa rin sila sa presscon.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit kailangan hindi sila magkita bago ang concert?

Comment tuloy ng mga nagmamahal sa dalawa, malabo na naman magkabalikan pa sila Gabby at Sharon dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang pamilya.

Si Sharon ay may anak na kay Kiko Pangilinan kaya malabong iiwanan pa ito ng Megastar, kaya walang dahilan para magkaroon pa ng selosan sa muling pagsasama sa concert nina Gabby at Sharon.

Tags:

You May Also Like

Most Read