PINUSUAB ni KC Concepcion ang “for one of my four children” na pinost ng inang si Sharon Cuneta sa Instagram.
Deadma lang ang aktres ng “Asian Persuasion” kung ang espekulasyon ng netizens ay siya ang tinutukoy ng Megastar sa post nito.
Sabi nga niya sa isang panayam, mahal na mahal niya ang ina.
Anuman ang mangyari, sabi ni KC: “I will always love her.”
Ang kanyang ina rin daw ang kanyang best friends mula nu’ng bata pa siya.
Feel daw niya na malalaman din ng ina someday kung gaano niya kamahal ito.