Latest News

KAYE NILINAW ANG ISYU SA BODYGUARDS NG SUPERMARKET

By: Beth Gelena

GUMAWA ng funny TikTok video si Kaye Abad at mister nitong si Paul Jake Castillo hinggil sa bodyguards issue.

Sa in-upload ng actress ay nasa isang event siya at kumukuha ng food sa dining table.

Makikitang may nakapalibot na napakaraming waiters sa table.

Biniro siya ng mister na si Paul Jake kung ang mga waiter daw ba ay kanyang bodyguards.

Sagot ni Kaye na natatawa: “Those are waiters, not bodyguards.”

Nang mag-viral si Kaye ay agad naman siyang na-interbyu DJ Jhai Ho.

Tinanong siya kung ano ang story about her controversial ‘bodyguard’ video.

Klinaro ni Kaye na hindi sa kanya ang bodyguard kundi sa supermarket.

Ni-reject daw niya ang mga ‘yun pero ininsist pa rin daw ng supermarket.

Ani Kaye: “I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala sila ng bodyguard, the bodyguards work for the supermarket and then I told them na hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi yun mga Cebuano sanay naman na sakin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa but then sabi nila, ‘Sige lang ma’am’ kasi inutos daw sa kanila so sabi ko, ‘Ah okay.’ So yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po.”

Tags:

You May Also Like

Most Read