Latest News

Kawalan ng interes sa booster, nagpabagal sa bakunahan — DOH

INAMIN ng Department of Health(DOH) na bumagal ang COVID19 vaccination roll out ng mga Local Government Units(LGUs sa bansa dahil sa kawalan ng interes na magpa-booster shots ng mga nakakumpleto na ng 1st at 2nd dose.

“Medyo bumagal ‘yung ating mga pagbabakuna na past week, hanggang mga 300,000 [individuals] lang tayo maximum, dati one million to 1.5 [million]. Mahirap nang abutin at ‘yung ating iba pang segments of population,” ayon kay undersecretary Myrna Cabotaje sa ginanap na Laging Handa briefing.

Ayon kay Cabotaje dapat na muna magsulong ng information drive ang gobyerno kaugnay sa boosters bilang tugon sa panawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawin mandatory ang booster sa mga lugar na nasa Alert Level.1.

“Alam natin na ang numero ng pagbabakuna sa mga nakalipas na linggo, mahina lalong lalo ang booster sa iba’t ibang kadahilanan. Habang ang hesitancy ay bumaba, walang urgency ‘yung pagpapa-booster. Karamihan sapat na ang two dose at ‘yung no-vaxx, no entry hanggang two dose,” dagdag ni Cabotaje.she said.

Tiniyak naman ni Canotaje na palalawakin ng DOH at ng mga kapartner sa pribadong sektor sa tulong ng Department of the Interior and Local Government(DILG) ang komunikasyon at adbokasiya para maenganyo ang publiko magpa booster.

Samantala,sinabi ni Cabotaje na pinag aaralan pa ng mga eksperto ang planong pagrekomenda ng ikalawang booster.

Tags:

You May Also Like

Most Read