NASA Australia pala si Kathryn Bernardo at nagbabakasyon kasama ang best friend na si Arisse de Santos.
Ang kaibigan niyang si Arisse ang nag-share ng photos nilang dalawa habang masayang nagbabakasyon sa Melbourne, Australia.
Natuwa naman ang netizens sa getaway at moments na pagliliwaliw ng mag-bff sa Australia.
Say nga ni Arisse: “Still so surreal you’re in Melbourne with me.”
Happy si Arisse dahil nakita niyang masaya si Kath sa pagbabakasyon nito with her at nakita niya gaano ka-strong woman ang kaibigan.
Say ni Arisse, wala raw sa mukha ng kaibigan ang panghihinayang na nawala sa buhay niya ang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.
Mukhang naka-move on na daw anf kaibigan.
Aniya pa: “As long as she needs me I’m always here for her. Nandito lang ako palagi.”
Nagpasalamat naman ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa award na ginawad sa anak bilang “Newsmaker of the Year.”














