Lumutang na naman ang AlDub Nation dahil kay Kathryn Bernardo.
Umalma umano ang mga ito sa sweetness nina Kathryn at ng idol nilang si Alden Richards.
Lumikha kasi ng ingay ang sweet na video ng Kapamilya actress at ng Kapuso actor.
Marami ang kinilig sa na netizens pero agad itong kinontra ng AlDub Nation, ang fans ng tambalang Maine Mendoza at Alden.
Kaya naman, trending sa X ang AlDub kasabay ng pag-trending ng video nina Alden at Kathryn.
Hindi kasi nagustuhan ng AlDub Nation ang kasweetan nina Kath at Alden noong dumalo ang aktor sa 28th birthday ni Kath.
Hindi pa rin natitinag ang pag-asa nilang “magkakabalikan” ang kanilang idolo na sina Maine at Alden.
Ayaw nilang magising sa katotohanang may asawa na si Maine at ito ay ang actor/congressman na si Arjo Atayde.
Marami naman ang nagpakita ng suporta at pagtanggap sa balik-tambalan ng KathDen.
Unang nagkasama ang daawa sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na tinanghal bilang Asian Blockbuster Movie of All Time.
Ilan sa komento ng mga ito sa mga larawan nila Kath at Alden na viral sa social media ay: “Gurl, mag-isip-isip ka. If you have self-respect, huwag ka pumatol sa may asawa’t mga anak.”
“Kahit ano pang ilabas nila, sa totoo lang kami… Ang mag-asawa ay sina Maine at Richard w/ 3 beautiful kids.”
O di ba? Reels pa rin ang nasa isipan ng AlDub ayaw nila sa real talk lang, huh!














