Latest News

KATHRYN BERNARDO NASALO ANG BOUQUET SA KASAL NI DIREK CATHY

By: Beth Gelena

IKINASAL na si Direk Cathy Garcia Molina sa ikalawang pagkakataon.

Widow na kasi ang direktora at masaya siya dahil muli niyang natagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya.

Last May 2 kinasal ang magaling na direktora sa cinematographer na si Louie Sampana.

At ng hinagis na ni Direk Cathy ang bouquet, si Kathryn ang nakasalo.

Nagbiro tuloy ang boyfriend nitong si Daniel Padilla na bukas na bukas daw ay magpapakasal na agad sila ni Kathryn.

Handang-handa na nga namang pakasalan ni DJ ang girlfriend na si Kath.

May nagsasabi na ngang engaged na umano ang celebrity couple.

Katunayan , pinaghahandaan na ng sikat na couple ang kanilang future na kinatutuwa ng kanilang mga magulang.

Sabi nga ng ina ni DJ na si Karla Estrada, ready na daw siyang mag-alaga ng mga apo.

Tags: , ,

You May Also Like

Most Read